Saturday, March 5, 2016

Ang unang kantang inaalay ko para sa iyo

Setting: 
Madilim ang entablado maliban sa may pwesto ng isang silya na pinapaliguan ng liwanag ng isang spotlight. May mikropono sa harap ng silya. 

------

Papasok ang isang lalaking may hawak-hawak na gitara. Uupo sa silya. Isusuot ang strap ng gitara sa balikat niya at ipwepwesto na ito para makapagtugtog. 


Iam: Uhm, hello, guys. Good evening. Salamat sa pagdalo ngayong gabi.


Napatitig ang lalaki sa malayong sulok ng kwarto na parang may malalim na iniisip.


Iam: Ang mga kanta ko ngayong gabi ay para sa isang babae, isang kaibigan.


Buntong-hininga mula sa lalaki.


Iam: Sa babaeng sa isang ngiti pa lang niya'y pakiramdam mo'y may forever sa mundong ito - may walang hanggang kasiyahan pala sa mundong ito ---

Sa babaeng tuwing kasama mo'y pakiramdam mo'y ika'y lumilipad at pinapalibutan ng ulap dahil sa gaan ng pakiramdam na dulot niya ---

Sa babae na ubod ng ganda - na kahit anong salita sa anumang parte ng mundo ay di kayang mailarawan ang kagandahan niya - pero di niya inaangkin ito ---

Sa babaeng ---


Buntong-hininga.


Iam: ...mahilig sa Argentina corned beef. Yes, guys. Paborito niya iyon. At sa babaeng nais kong makilala pa lalo kahit bilang kaibigan lang, ito ang unang kantang inaalay ko para sa iyo.


Pumikit ang lalaki at nagsimulang mag-strum sa gitarang kandong niya. 


Iam:

(Himig)

There's no point in waiting/
That's what she said/
That's what she says//

There's no point in asking/
When all she says/
Is nothing//

There's no point in hoping/
When you'll just be down/
You'll just be down//

There's no joy in living/
When you'll just be dreaming/
To be with her//

But that's okay/
That's ok--ay/
'Cause I love her/
When all is gray//

And there's no way/
There's no wa--ay/
That I'll leave her/
For another//

---

At nagpatuloy ang himig ng lalaki sa gitna ng madilim na entablado.

No comments:

Post a Comment