Tuesday, February 16, 2016

Doon ako sa gitna

Tama bang sabihing kapag di ka masaya ay malungkot ka na? 

Paano pala kapag di ka rin malungkot?

Ano ang tawag sa mga nasa gitna - di masaya, di malungkot? Masakot? Malungya? 'Takte.

Di ko rin lubos mawari kung ano nga ba itong nararamdaman ko ngayon. Siguro dahil kakatapos ko lang mabasa ang Sputnik Sweetheart ni Murakami. Ang masasabi ko lang: "Putek! Chingga! Bakit ganito ka magsulat?"

Biro lang. Idol ko 'yan.

Seryoso lang, di ko maipinta, di ko matukoy nang lubos ang nobelang ito. Alam kong malungkot pero di sapat ang sabihing malungkot. The word won't give justice to the piece. Pero at least alam kong nasa isang banda siya ng kasiyahan-kalungkutan spectrum. (Tawagin na lang natin 'tong KKS.) Buti pa siya.

Siguro nga naman dahil dalawang Murakami ang nabasa ko in such a short period of time. Pero alam ko namang malakas ang control ko sa mga bagay na ito - sa mga feelings. Ang gusto kong maramdaman, iyon ang nararamdaman ko. Kaya nga napaka-critical ko sa mga pananaw ng mga tao: alt, a, t, punta sa column header 'assessment', alt + down, filter mo sa 'relevant'. Wala akong masyadong pakialam sa mga sinasabi ng iba kapag di naman sila importante sa buhay ko at sa buhay ng mga mahal ko (tao, bagay, hayop, konsepto, world peace).

Iyon nga naman ang problema. 'Relevant'. Pucha. 

Ano ba ang sa gitna ng oo at hindi? 

Walang katapusang potensyal na maging 'oo'? Eternal na potensyal na maging 'hindi'?

Kung di man walang katapusan, hanggang kailan? Bakit nga ba naging virtue ang patience? Ano nga ba ang virtue.

Beer chew.

Inuman  na please. Ngunguyain natin ang katotohanan. Iluwa ito nang maging nais nating hugis. Baka lang mapait. Baka lang kagatin ka. Reality bites.

O alam niyang masasaktan ka sa totoong sagot?

Dapat ba akong magpasalamat?

Kontrolado ko ang perspective ko. Pero bakit ganito pa rin? Was I just deluding myself? I probably did.

Ang dakilang tanong

Kailan ba ako matututo?

No comments:

Post a Comment