![]() |
Ito, para sa iyo. Ang bitter mo kasi! |
Ang ampalaya
Subo, nguya
Unang tikim ay mapait
Sa lasa'y pipilipit
Ang ampalaya
Lunok nang bahagya
Masustansya naman
Pero inaayawan
Madalas niluluwa
Ang kawawang ampalaya
Kahit masustansya
Kaya't walang napapala
Nalilimutan na kahit
Ang lasa nito'y mapait
Kapag mahaling tunay
Mas bubuti ang buhay
Mahalin kahit may tangis
Lasang di kanais-nais
Kundi ay lalong papait
Mukhang sa pagkadapa'y pumangit
No comments:
Post a Comment