Bago umalis, tingin sa salamin.
Lumakad at umamin
Siya ang Makabagong Narsiso
Habang suot-suot ang ngiting aso.
Lumakad sa eskinitang makitid
Patungong dyip para tipid.
Dinaanan ang dingding na salamin.
Huminto't tumingin,
Ngiting aso,
Inayos ang buhok at polo.
Pagkatapos ay dumeretso.
Sumakay na't napaisip
Kung mamaya'y sa alindog ng dyip ay maiidlip.
Inilabas ang cellphone sa bulsa,
Madilim na screen kaniyang mukha'y pininta.
Ngiting aso.
Sa mata ni Narsiso
Siya'y guwapo
Kahit na ang mga salami'y laging malabo.
No comments:
Post a Comment