Thursday, December 6, 2012

Seryosohin ang Di Pagiging Seryoso Attempt No. 02: Ang Crush ni Crush




The situation: Ang crush mo ay may crush. At hindi ikaw iyon.
The question: Anong gagawin mo?

Halika't samahan ninyo ako sa aking Top 5 na maaari at dapat gawin kapag ang crush mo'y may crush na iba.

NUMBER 5: Ipa-assassinate ang crush ng crush mo

Basic pero least advised. Bakit? Obvious naman ang dahilan. Mahirap kayang maghanap ng hitman sa mga panahong ito!

At di lang iyon. Dahil covert services ang kanilang ginagawa, mataas rin ang bayad nila. Parang sa gobyerno lang. Para di humuni ang maliit na ibon, subuan mo ng sangkatutak na pera. Di matutuklasan ang anumalya.

Kung susundin mo naman ito, humanap ka ng kalbong hitman. Simpleng rason: they always get the job done. Walang sabit eh. Wala na kasing masasabitan.



NUMBER 4: Maglabas ng sama ng loob.

Lagi natin itong naririnig na advice kapag masama ang ating pakiramdam - lalo na pag masakit ang tiyan. Sa isang depressing situation kung saan involved ang isang crush, applicable rin ito.

May dahilan kung bakit nagtatanong kung "success ba" ang mga kaklase ko sa elementary kapag natatagalan ako sa banyo. Una, akala nila'y tumae na ako. Pangalawa, ang pagtatae ay laging ine-equate to success.

THE FORMULA FOR A HAPPY LIFE

Given that:
a. tae = success 
b. success = happiness

And using rudimentary mathematics, we get this formula:


TAE = HAPPINESS

Extending our mathematical analysis

LBM = UNRELENTING & UNCONTROLLABLE HAPPINESS

Source: http://www.geekologie.com/2012/02/03/hulk-bathroom-struggle.jpg

Kung nais sumaya at maramdaman itong "tae high" na tinatawag nila, huwag magdrogra. Masama iyon. Tumae na lang. Malilimutan mo ang crush mo kahit saglit lamang.


NUMBER 3: Gawing girlfriend/boyfriend ang unan.

Malambot. Di ka iiwan kahit tapon-tapunin mo. Tanging maintenance niya'y laba at bagong pillow cover. Sasaluhin kahit ang laway o sipon mo. Saan ka pa? Sa unan ka na!


They come in different shapes, sizes, and design pa!

Source: http://candicemarisa.tumblr.com/post/24043701956

NUMBER 2: Sumali sa dancesport.

Ang dancesport ay isang intimate sport. Kaya't may excuse ang couple na sumasayaw na maging intimate sa isa't isa.



ANG PLANO

Maging napaka-intimate sa iyong partner at siguraduhing malalaman ng crush mo. (Note: Siguraduhin na siya'y nanonood habang ika'y nag-pe-perform kasi baka mabalewala ang lahat ng praktis.) Sa puntong ito, magmumukhang napaka-close ninyo ng partner mo. Kahit na sabihin nilang professionalism lang iyon, ang mga tao'y laging gustong gumawa ng isyu. Kagatin mo iyon!

Tapos bigyang special attention ang crush. Magtataka ito: "May ka-chever ka na (ang iyong partner) tapos binibigyan mo ako ng special attention. Hmmmm." Bawal na pag-ibig ang drama. Ma-e-excite niyan si crush!

Sabi nga nila, "masarap ang bowel". Este, "bawal".

Applicable rin ito rito!

ANG BACK-UP PLAN

Kung di mabitag si crush, may posibilidad na mabitag si partner sa pagka-intimate mo. Oh yes!


NUMBER 1: Umabang ng isang aksidenteng magiging isang romantic scene tulad ng sa anime. 

Marami ka nang napanood na anime. Pumipilipit ka sa kilig kapag nakikita mong may cheesy moment na galing sa isang aksidente. Tulad nito:




Himay-himayin natin para sa iyo ang mga dapat gawin para mangyari rin sa iyo.

Step 1: Tawagin ang crush papunta sa iyo.
Step 2: Siguraduhing madulas ang dadaanan ni crush.
Step 3: Tumayo malapit sa madulas na spot.
Step 4: Hintaying matapilok patungo sa iyo si crush.
Step 5: Huwag hayaang mahalikan ni crush ang sahig/konkreto/lupa.
Step 6: Eye-to-eye habang nag-bla-blush.

Shet! Success! Suwerte mo, tol!

Isa pa:


Step 1: Lagi lang bumuntot kay crush kapag umaakyat ng hagdanan.
Step 2: Hintayin na siya'y magkamali ng tapak at matumbang patalikod.
Step 3: Alalahanin ang mga natutunan sa cheerdance.
Step 4: Saluhin si crush. Bahala nang matumba ka rin at madaganan.
Step 5: Tanungin kung okay lang si crush.

Na-semi-hug mo na, nakausap mo pa, at mapapalapit pa ang damdamin ni crush sa iyo kasi nasagip mo siya mula sa injuries at sakit. Ikaw nga lang ang masasaktan. Pero okay lang iyan. Pag kay crush naman, kahit ano na lang ang gagawin makuha lang ang atensyon niya, diba?

Shet! Success!

(Ngayo'y alam mo na kung bakit tinatabi ang shet at success, noh?)

4 comments: