Ang haba ng mga araw. Kahit na pagod at puyat, di pa rin makatulog. Dahil ba sa kape ito? Hindi. Pero, point is, there's no use fighting it. Padala na lang sa pagkamulat.
Ganito pala ang pakiramdam na makasakit, masaktan. Ang tanga-tanga ko rin pala. Di na ako natutong makiramdam. Ang proud na sensitive ka sa nararamdaman ng iba, pero wala pa rin pala.
Siguro nga ganiyan lang talaga pag lumilipad, kapag high, di mo na nakikita ang maliliit na detalye na importante pa rin. Malalaman mo na lang pag tinanggalan ka na ng pakpak.
Ang sakit ng bagsak mula sa itaas.
No comments:
Post a Comment