Friday, May 6, 2016

Sheet 1

Mula sa 'Mga Nasambit Na Walang Patutunguhan.xls'

---

Ako'y naparalisa
Sa pag-aanalisa
Kung ano nga ba / ang tamang paraan ng pagromansa
Aminan na, / di ako dalubhasa
Subalit ano 'tong aking natamasa?
Higit pa sa parusa

Diyos ko, anong aking naggawa?
Ang sakit ng naiwang hiwa
Sa sakit, nailuwa ko ang aking diwa
Puwersahang hiniwalayan ng kaluluwa
Siguro nga para di maramdaman ang sakit
Pero / iba talaga ang iyong hagupit

Bakit ba ako nagpakatanga?
Tingnan ninyo ngayon ako, heto, nganga
Ang kanilang mga sinabi, tama nga
'Wag umigib / kung wala ka namang banga

//

Meron, wala
Ba't di na ako nadala?

Wala, meron
Naaalala mo pa ba si Leron?

Kalaro n'ong panahon ng ating kabataan
N'ong sa pisikal lamang tayo nasasaktan
Napaisip tuloy ako / na sana lagi na lang tayong bata
Iba pala ang sakit na hindi nakikita

Ang sakit
Alam mong nandiyan, pero minsan di halata
Ang pag-asa
Alam mong wala, pero kanta ka pa rin nang kanta

Ng iyong mga tulang di naman papakinggan
Ng iyong mga lirikong walang dadapuan

Sa alay mong wala, ako'y patuloy na kumakagat
Sa alay kong lahat, kung saan-saan mo ikinalat

Bakit?
Bakit sarili'y hinayaang masira?

Sakit
Sakit na lamang ang natitira

/

Sana natuto ako sa ating kabataan
Tingnan mo, ang kalaro natin, balikan
Si Leron, humanap ng iba nang nahulog sa sanga
Si Ako, kailang beses nang nahulog, nanatili pa ring tanga

//

Meron, wala
Sige, ikot
Wala, meron
Pinaikot

---
Dulot ng inspirasyong nagmula sa mga taong may hugot/mahugot sa buhay. Note: Maaaring mula sa mga totoong pangyayari ang mga hugot nila. Maaari. 

No comments:

Post a Comment