Itay: Maghunos-dili ka, Juan! At saan mo naman napulot ang ganiyang pag-iisip?
Juan: Itay naman. Sa iyo mas applicable ang tanong na iyan!
Itay: Diyos ko, saan ako nagkamali? Ibinigay ko naman ang lahat ng maibibigay ko sa pagpapalaki sa iyo, Juan! Bakit ka nagkakaganito?
Juan: Itay, naniniwala lamang ako sa tama sa usaping gay marriage. Huwag mong ikahon ang isip mo sa mga naririnig mo lamang sa tabi-tabi.
Itay: Juan, makinig ka sa iyong itay. Di tamang isipin na walang karapatan ang mga homosexual na magpakasal. Kapag sila'y tunay na umiibig at nais nilang makapiling ang isa't isa habang sila'y nabubuhay, dapat lamang kilalanin ng estado ang kanilang pag-iisang loob. Hindi ba, Juan?
Juan: Itay naman. Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo?
Itay: At bakit naman ako mandidiri? Anong nakakadiri sa pag-iisang dibdib ng dalawang taong tunay na nagmamahal? Anong masama sa pagkikilala sa karapatan ng isang taong maging tunay na siya? Juan, aking anak, kailan mo nga ba ulit piniling maging straight na lalaki?
Juan: Basta! Kadiri kayo, Itay! Huwag ninyo na nga akong kausapin!
*at nag-walk out si Juan
No comments:
Post a Comment