Paggising sa umaga.
"Naku, natulugan ko nanaman ang dapat kong gawin kagabi! Pakingshet. Ang daming kailangang trabahuhin."
Trabaho ang nasa isip, pero iba ang gagawin. Ito na ba ang tinatawag nilang the greatest paradox of life. Hindi ba't dapat mahanap mo ang meaning of life kapag nalaman mo na iyon? Bakit parang mas nagkagulo lang ang magulo ko nang buhay?
Para lang akong napapakanta ng Pavlove ng Fall Out Boy - iyong kantang gusto kong marinig kapag depressed ako kasi may sinasabing "I'm just such a happy mess, woah!"
Happy mess.
Perfect description para sa akin ngayon. Magulo ang bagay-bagay dahil sa dami ng kailangang gawin sa loob ng kakarampot na oras. Para bang ang oras ay iyong nag-iisang pimple sa isang napakakinis na mukha na may napakaliit na pores. Ang trabaho? Iyong mukha. Paano mo maipagkakasya ang pimple na iyon sa napakalawak na mukha? Aber? Try mong budburan ng adolescent hormones ang kanin para dumami ang oil secretion at dirt accumulation ng mukha. Biro lang. Di ko na alam ang pinagsasabi ko.
Basta't masaya ako kahit nagkakaganito. May direksyon ako. Mahal ko ang direksyon na ito. Ang problema lang ay ang maliliit na tasks na kailangan kong gawin. Di ko ma-appreciate nang lubusan ang lahat ng mga tasks na ito. At iyan ang dahilan kung bakit depressed rin ako at the same time. Mapapa-"oh the irony" ka lang. Kailangan ko pa ng mas mahaba-habang reflection - parang San Mig Light lang.
Ngapala, di ko talaga ma-gets kung bakit gustong-gusto ng mga tao ang Light. Ang hina kaya ng tama. Di ba kapag nakikipag-inuman, ang motivation ay malasing? O, hintayin lang na malasing ang katabi? Naku naman. Saan na napunta ang ethics of drinking? Ang ating lipunan nga naman.
WAIT!
Gets ko na pala. Ang inuman ay di lamang lasingan. May halo ring kwentuhan. Ito nga ata ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasa sistema pa rin ng sangkatauhan ang pag-iinom. Di mawala-wala kasi may silbi naman. Parang social glue lang ang kaniyang drama.
Ang Light, di agad nagpapalasing para makapagkwentuhan pa ng mas matino ang mga nag-iinuman. Mas madibdibang at matagalang usapan, mas malalim na relasyong nabubuo. Naks! Huwag mo lang tikman ang kainuman. Disgrasya iyan!
Si Pablo umalis na... How sad.
Siguro nga gumulo lalo itong magulo ko nang buhay dahil umalis na si Pablo. Ang lakas ng epekto sa buhay ng mga ZamboangueƱo nang siya'y dumating. Akala mong end of the world na kapag mag-alala ang mga nag-DOTA kahapon sa Spotweb - baka lumakas na daw nang lubusan ang ulan. Ano na daw ang mangyayari sa kanila? Tapos arangkada sa pag-do-DOTA. Another paradox. Nahanap na kaya nila ang inner peace?
"Last game, last game," sabi ng isa.
"Pakshet, kill mo na iyan," habang pinapyano ang mouse ng isa pa.
"Pangit ng build mo, pre," galit na may tampong halo na sabi ng isa pa.
Nga naman. Baka ano na ang mangyari sa iyo mamaya, tapos pangit pa ang suot ng hero mo ngayon. Mauuwi sa pangit na suot ang buhay mo.
Pero parang mali iyon ah. The journey counts! Minsan nga'y mas importante ito kaysa sa outcome.
So, sa lahat ng mga may pangit na suot, huwag ninyong hayaang sirain ng mga critics ninyo ang inyong self-esteem. Walang exact formula ang success. Carry mo lang ang build mo with confidence. Darating lang ang grasya. Tingnan ninyo si Lady Gaga. Pero kapag, pangit na pangit nang sobra, super, extreme, shit just got real ang build mo - iyong tipong malusaw-lusaw na ang taba ng hita mo tapos mag-mi-mini shorts - mukhang may mali na. Dapat naman maging considerate sa iba, o sa DOTA pa, sa teammates at di sa kalaban. Again, wala namang black and white sa isyung ito. #fiftyshadesofgray.
Balik tayo kay Pablo. Sabi nila: People come, people go. Parang si Pablo lang. Kahapo'y akala mo kung sinong makapagparamdam. Akala mo destiny na. Tapos bigla na lang aalis.
Teka, teka. Dumating nga ba talaga si Pablo? O ang anino/buntot nito lamang. Isang ilusyon lamang ba ito?
Kung ganoon, nagpakagago lang ako.
Ang dakilang tanong
Kailan kaya ako matututo?
naaliw ako. promise!
ReplyDeleteNaks! Maraming salamat, unang fan. Hahaha.
Delete